Transcript of Interview of Senator Imee R. Marcos on DZBB with Nimfa Ravelo, August 30
30 August 2020
Interview with Senator Imee Marcos (SIM)
on DZBB with Nimfa Ravelo
Re: PhilHealth
RAVELO: Magandang umaga po sa inyo, Senator
Marcos.
SIM: Happy Sunday, Nimfa, sa lahat ng
taga-pakinig ng DZBB. Naku talagang korek kayo d’yan, talagang napakalabo
nitong PhilHealth sa gitna ng pandemya. Natuklasan na wala na palang datung,
wala nang pera yang inaasahan natin na P220 billion na lahat yan na hanggang
ngayon hindi malaman kung magkano ang natitira.
SIM : Talagang napakagulo nila. Para sa akin
ang tunay na solusyon, ayan na, IMEE SOLUSYON, agad-agad nating paghatiin ang
mga problema. Unang una, yung problema sa pera kasi kailangan nating malaman
magkano ang pera d’yan, at yung COA paupuin na dyan o di kaya papuntahin na rin
bukas kasi sila ay member sa board ng PhiLHealth. Alamin ng ating COA magkano
ba talaga ang perang natitira para tuloy-tuloy ang pambayad ng mga ospital kasi
sa mga nagkakasakit, at puros imbestigasyon, para tuloy-tuloy ang tulong sa
tao.
SIM: Ikalawa, yung problema naman ng legal,
yung mga sinasabing mga kaso dito sa Ilocandia, pikon na pikon kami sa Region 1.
Merong 350 cases na hindi minsan napaylan ng kaso, saan ka nakarinig. So,
nagtake-over na si DOJ secretary Guevarra at sa wakas sabi nila within 30 days
ipa-file niya ang kasong kailangang i-file. Higit sa lahat yung mga kaso d’yan
sa ating mga opisyal at sinasabing mga mafia at sinasabing, ay nako, godfather,
mga godmother, naku pambihira talaga at dapat talaga i-file na ang mga kasong
yan at alamin na asan ba talaga ang relasyon ng DOH at PhilHealth, bakit parang
nakikisuob sila sa isa’t-isa katulad ng pneumonia at upcasing, mga ubo-ubo, yan
sipon-sipon biglang P15 thousand ang singil ng PhilHealth sa kada isa.
SIM: At last but not least yung IT. Ang IT kasi
sa computer, d’yan nag-umpisa ang problema kasi tama naman si Chair Morales na
walang mangyayari kapag hindi naayos ang IT para malaman sa milyon-milyong
members sino ba talaga ang totoo at matigil na ang pagbabayad ng dialysis sa
patay.
RAVELO : Yung IT kasi pinupush na, kaso may
overpricing naman daw.
SIM: Oo, grabe yang IT na yan at saka
tuloy-tuloy na, taon-taong P2 billion plus inilalagay, hindi naman tumitigil,
saka hindi malaman sino ang buhay at patay, talagang grabe. So, ang solusyon
d’yan sa tingin ko i-outsource yan sa pribadong sektor na IT naman talaga na
kabisado ang big data, at magpatulong sa SSS. Bakit kayang-kaya ng SSS, tignan
ninyo, milyon-milyon kaya yung member, hindi naman nagkakabulilyaso. Pahirapan
nga lang pag senior, pero andiyan yung lista at lista lang.
SIM: At yung ating mga OFW takot na takot sila
sa 3% premium na kailangang bayaran. Eh di ba narinig nating lahat na sinabi ni
Secretary Jun Duque na ayaw na din daw nya sa 3%, aba’y tanggalin niya,
ipinangako nya.
RAVELO: Bukas daw po magkakaroon na ng bagong
presidente ng PhilHealth, ah of course hindi ito yung ultimate solution, hindi
ho ba, kasi nakailang palit na parehong pareho pa rin, so kahit nag-resign na
si PhilHealth President Morales pati si
Atty. del Rosario, ah dapat tuluyan pa rin sila ng kaso, tama ho ba?
SIM: Oo, syempre naman, kailangan tuloy-tuloy
yung mga imbestigasyon, yung kaso. Pero mas importante para sa akin, ang tunay
na solusyon ay eh ayusin yung pera d’yan at yung upcasing para tuloy-tuloy rin
ang serbisyo sa tao, at yung ipambabayad sa ospital, lalo ngayon sa panahon
ng pandemya dapat walang tigil. Kaya
kung care-taker naman yan, alam naman nating hindi isang tao lang ang gumagawa ng mga
karumal-dumal na mga pangyayari d’yan sa Philhealth. At ah apat na, naka-apat
na chairman na ata si Presidente Duterte, papalit-palit wala namang
pagbabago, ibig sabihin, hanggang
regional director, hanggang accounting, auditing, lahat ‘yan talaga kailangang
palitan lahat.
RAVELO: So, Ma’m, ang nagresign po effectively,
sinibak din. Ang sinasabi lang nag-resign si Morales, tapos po si Atty. Del
Rosario. Ma’m yung ibang mga opisyal po like si Senior Vice President Limsiaco,
hindi ho ba siya ang nag-release ng pondo para sa interim reimbursement mechanism,
tapos si . . .
SIM: Oo, sinibak yun ha, si Limsiaco,
pambihira. Alam na lahat ng mga tao sa Palawan, kasi yung asawa n’ya
taga-Leyte, eh alam naming. Eh yung sa ospital sa Samar tinira nga eh, kaya
naiinis talaga ako sa Philhealth, yung una talaga sa Region 1, yung sa
Ilocandia, tapos yung sa releases sa Covid, dyan naman sa Samar.
RAVELO: Ma’m, ano yung info nyo kay Limsiaco? Alam
ko po sa hearing siya po yuong sa releasing ng pondo sa IRM
SIM: Oo. Siya talaga yung nasa finance kaya
marami talaga siyang kinakailangang ipaliwanag, tapos yung ibat-ibang legal
hindi naman mag-isang legal yun eh, yung Fontalia, yung pinag-ah, ano sabi?
Kinontempt yata ng Lower House sa Kongreso, pagkatapos meron pa rin yung IT,
yun din, yong tropa ng IT ang gulo-gulo ng sagot, bandang huli hindi na
nakasagot, tapos inamin na lang nagsinungaling yung isa, ano ba yon?
RAVELO: Tapos, Ma’am, si Mr. Arnel de Jesus
siya yung O-I-C ngayon, Senior Vice President din po s’ya, s’ya yung O-I-C na
itinalaga. Meantime na walang president, eh s’ya rin po yung nagdepensa ng IRM
at saka nag, tawag dito, s’ya yuong nagsabi pwede namang magbigay sa mga
dialysis center at maternity clinic. Pero, Ma’am, hindi sila nag li-leave of
absence at hindi rin sila sinususpinde.
SIM: Tama yun, yan na yata yung naging cycle na
yata sa PhilHealth, yung mga me kasalanan eh juggle-juggle lang nila, talagang
sina-shuffle-shuffle, napo-promote pa yung mga naipit dun sa WellMed last year.
Katako-takot na imbestigasyon, intense na intense, wala rin! Naku, pinadala pa
sa Maynila, na-promote pa ng bonggang-bongga.
SIM : Ayan, ano ba naman mga yan, kaya eto nga
maraming naghudyat din kay Mr. de Jesus, pero pagka-alam ko naman maayos naman
yung tao pero tingnan natin, talagang as I said, paghatian natin yung trabaho,
kasi kailangang tuloy-tuloy ang serbisyo, dapat hindi maantala ang pagbabayad
ng mga ospital lalo na sa panahon ng Covid, and we continue this investigation.
Tutal hindi naman daw lalagpas sa 30 days yung imbestigasyon ng DOJ.
RAVELO: Last point sa mga opisyal ng
Philhealth, Kayo ho ba ay sang-ayon na sila ay dapat sampahan ng kaso dahil sa
IRM, overpricing umano ng IT?
SIM: Dapat, dapat talagang kasuhan yung dapat
kasuhan, pagka binilang mo nga yung nawawalang pera, eh higit bilyon-bilyon,
mga P15 billion ang sabi ng iba , over time P150 billion, ay naku yung
bilyon-bilyon parang senti-sentimo lang grabe! Kaya yung sinasabi nga ng iba
baka umabot nga ng plunder yung karamihan d’yan, pagkat eh pagkalaki-laki nga
ng mga halagang nawala.
RAVELO: Senator Marcos, paano po si Health
Secretary Francisco Duque the Third na siya
nga pong chairman ng board ng PhilHealth? Eh sabi nga po ni Atty. Keith eh siya
nga daw po ang allegedly godfather ng mafia sa PhilHealth.
SIM: Oo, me sinasabi nga at narinig ko si
Senator Ping Lacson na ang sabi naman ni Sen. Ping na wala pa raw ebidensya na nagli-link kay Sec.
Duque sa PhilHealth. Ako, with all due respect, palagay ko meron na, so
kailangang tinitingnan natin maige. Kailangang tingnan muna natin ng maige,
tingnan natin ibuo muna ang kaso, maganda nandyan ang DOJ, mas lalong maganda
yung COA nariyan para maliwanag ang makita natin. Kasi unang-una dun sa
conflict of interest wala nang tigil yan.
SIM: Kasi dito sa amin ano, taga-Ilocos ako,
narito ako no, alam na alam namin na ang gusali na dating ospital ng pamilya Duque
yun ang sa Philhealth noong mismong siya
ang nandun, tapos nangangalakal talaga
yung ibat-iba nilang kumpanya sa medical supplies at sa medical
equipment. Aba’y bakit ganon, sabi nga hindi raw direktamente sa Philhealth,
palagay ko pag nakuha ang istoryang yan, baka makita natin na ang kabuuan at
kuneksyon. Ang buong sistema eh ang gulo.
RAVELO: Ma’am yung pagsibak po kay Sec. Duque,
isa dapat sa solusyon sa problem sa PhilHealth?
SIM: Well, alam naman natin si Presidente no,
si Presidente Duterte natin naiinis yan pag pinangunahan. Mas lalong
“he’ll dig his heels in” ika nga. Pero nag-suggest na kami ng ganyan, pero
nasa presidente na talaga yan kung ano ang gagawin. Naiintindihan ko rin na
napakahirap naman magbitiw ang hepe mo pagka lumalaban ka na ng gera, eh gera
ng Covid, eh biglang changing management, extreme eh, talagang pangit yon kaya
lang wala pa rin namang nangyayari, nahihirapan pa rin ang tao. Eh palagay ko
mas okay pag pag-isipan na lang or eto nga tulungan na lang natin ang DOH
somehow, kasi talagang hindi kaya.
RAVELO: Pero, Ma’am, masasabi bang isa sa mga
problema sa Philhealth si Sec. Duque?
SIM: Well, maraming nagsasabi dun, kaya nga
noong una sabi nga namin hindi ba pwede magbitiw na para wala nang haka-haka,
kasi halimbawa kami no, ang dami-daming talagang reklamo lalo sa amin, eh noon-noon
pa dami nang reklamo ng mga tao, wala na kaming mapag-iwasan talaga, wala na
kaming ma-explain, wala na kaming dahilan, excuse, wala na kaming masabi, kasi
sIyempre ipinagtatanggol namin ang gobyerno, kasi andyan ka, inihalal ka, wala
kang magawa kasi yung DOH hindi responsive at all.
RAVELO: Kaya tuloy ang sitwasyon natin, Ma’m,
dapat na nagko-concentrate tayo sa dun sa pandemya, ang ating pinag-uusapan
yung katiwalian sa PhilHealth hindi ho ba?
SIM: Yah, hindi na dapat. Talaga dapat
nakatutok tayo sa mga nagkakasakit-sakit, yung infection, yung testing at yun
ang tinutukan namin sa Bayanihan 2. Pero like you said, eh kapag lahat ng perang
yan inilaaan sa mga taong hindi seryoso, tapos may nababalitaan ka pa na
katakot-takot ang pera sa pandemya, talagang nakakasira ng loob.
RAVELO: Ma’m, siyempre po magrerekomenda ang
senado na pagsasampa ng kaso, ng mga remedial measures, pero eventually ang
hinihintay din natin ang pagsasampa ng kaso ng Department of Justice, which is sana sa madaling panahon, hindi ho
ba?
SIM: Mukha namang mabilis yon, kasi sabi ni
Secretary Guevarra, 30 days kasi ayaw daw niyang tumagal sa kanya, mayroon daw
siyang ibang trabaho at higit sa lahat
na-warningan na lahat na paspasan ito, kasi hindi kakayanin na walang bayad ang
mga ospital, hindi makapagserbisyo ang mga ospital. Eh kasi puros utang nga ng
Philhealth, eh talagang pipilitin na lahat ng opisyal at oobligahin na tapusin
itong ang pamunuan sa Philhealth. ‘Wag naman whitewash sa sobrang bilis. Hindi
naman kami papayag don. Pero kailangan
talaga muna hatiin, ang solusyon d’yan hati-hatiin muna ang trabaho, isa-isahin
at one by one i-solve natin. At, well, nakatutok tayo sa pagsisisi sa lahat ng
tao, eh okay naman talaga hatulan mga yan, pero sa kabila non, mas importante
eh tuloy-tuloy ang serbisyo.
RAVELO: Eh, Ma’m, me binanggit kayo kanina na
yung investment po, ano tawag dito, pondo ng philhealth na P200 biillion na
magkano na nga ba? Napag-usapan sa mga pagdinig possible na nawala sa
katiwalian yung nawala yung P15 billion pesos, tapos yung korapsyon dahil sa
mga upcasing. Pero yung hindi pa napag-usapan yung investment, di po ba? Ang
PhilHealth, nag-iinvest po yan, ini-invest yung pondo nito sa ibat-ibang
kumpanya. Hindi po ba yan natatanong, yun ho ba ay babalikan nyo, sakto
tatalakayin na ang national budget, bibigyan ulit ang Philhealth ng more than
P71 billion pesos?
SIM: Tama, kasi ang argumento ng gobyerno sa
Philhealth P71 billion taon-taon. Syempre kakalkalin na naman namin yung mga
dati kasi ang bilang ko dyan eh P220 billion yung tinatawag na reserved fund. Nababalitaan
ko noon pa, wala pang Covid, wala pang pandemya, wala pang SARS, wala pang
anything, eh talagang pinagkukunan yan tuwing me lugi ng Philhealth. Sinasabi
nila kasi yung binabayad daw nila sa ospital ay mahigit pa sa P71 billion na
binibigay ng gobyerno, ng Presidente, sa kanyang lang badyet.
SIM: Kapag lumalampas yan sa P71 billion, dukot
sila ng dukot doon sa reserved fund, pambihira talaga. Eh di siyempre nabawasan
na daw yon over time. We don’t know what’s left there. Isa pa yung binabanggit
mo supposed to be kapag GOCC, mag-iinvest ka lang sa DBP, Land Bank, sa
gobyerno. Sa madaling sabi, very very conservative zero rates. Pero balita nga,
kung saan-saan daw sila nag-invest kaya nagtataka ako, samantalang kung
tutuusin yung Philhealth kulang-kulang pa yung offices nila, nangungupahan pa
sila, kung saan-saan sila nakaupo, eh ba’t ganon sa dinami-dami ng pera hindi
makapagbigay ng serbisyo.
RAVELO: May opisina pang tumutulo daw yung
tubig.
SIM: Dito sa amin yon eh, kasi nga
nagkabukingan nga na Duque property nga yung office sa Region 1, kaya lumipat
noong December. Eh brand new biglang tumulo, hindi naman nakuryente, ang tubig
galing daw sa bombilya, ano ba yun?
RAVELO: Eh, Ma’m, habang yung committee report
ay ilalabas daw ni Senate President Tito Sotto sa Tuesday, nag-submit po kayo
ng recommendations Ma’m?
SIM: Ah lahat kami nag-submit ng ibat-ibang
recommendations, sana nga maayos na yan sa lalong madaling panahon. We need to
get it out of the way, kailangang tutok nga tayo. Eh talagang nahilo kami dun
sa investigation sa Philhealth, di ko naman akalain na ganon na kalala at
parang walang pakundangang kuha ng kuha, bayad na ng bayad, ang dami-daming
pekeng claim, ang daming patay nabibigyan ng pera, non- existent hospitals.
Ganon, hindi mo talaga maintindihan yung solusyon. Pero para sa akin, ang
solusyon ay ang problema eh hatiin mo na sa tatlo eh, yung malaki, yung ilan,
ikalawa yung legal, yung ikatlo IT, tutukan na natin yan,
RAVELO: Ma’m yung last questions tungkol sa
Philhealth. Solusyon ho ba dito ang privatization ng Philhealth?
SIM: Yes, alam ko na-recommend yan ni Stella
Quimbo, congresswoman natin taga-Marikina. Kaya lang sa tingin ko isa-isahin
muna natin ang problema. Masyadong radikal ito dahil kung papalit-palit ang
head, wala ring nangyayari, bigla ring papalit-palit rin yung korporasyo., Sa
tingin ko tingnan na muna natin, i-analyze na muna ng maige.
SIM: Sa palagay ko, ang tama don
kayang-kayang i-outsource yung ibang
bagay tulad ng IT. Kung kinakailangang i-outsource na yan sa third party o di
kaya magpatulong sa sistema ng SSS, kayang i-outsource yon. Pero yung buong-buo
i-pa-privatize, may issues din yan sa tinatawag nating public funds ano, kasi
pera ng gobyerno yan, hindi pwedeng ilagay sa kamay ng pribado. Magiging
provocative. Natakot din ako dyan kasi alam naman natin magiging obligado, obligadong
mag-profit, kailangang kumikita. Eh baka magsitaasan ang mga premium. Mabagal
din yung bayad sa mga ospital, kaya heto
na naman tayo. It has its own set of problems and I think kaya kulang na kulang
tayo sa pag-aalam ng tunay na sitwasyon.
RAVELO: Parang ah, one problem at a time.
SIM: Korek. Hinay-hinay. Inot-inot, sa Ilocano.
One by one, para hindi tayo maantala ang serbisyo.
RAVELO: Isa na lang, Senator Imee Marcos, kasi
marami pong tumatawag dito, maraming nag-titext tungkol sa Social Amelioration
Program. Hindi pa po nila natatanggap ang kanilang SAP. Hihingi lang po ako ng
dagdag boses para maisaayos lang ang pagbibigay tulong para mabigyan ang mga
hindi nabigyan at di mabigyan yung hindi dapat.
SIM: Ito ang solusyon, IMEE SOLUSYON, talagang
ipinagpipiliatan! Ah ang totoo, hawak ko kasi yung badyet ng DSWD sa papasok na
naman ng badyet, ako na naman magde-defend sa budget nila. Eh kaya nakatutok ako sa SAP nila. Inis na
inis nga ako, ano na nangyayari, pambihira kayo.
SIM : Unang-una, naging isyu yan sa listahan
paano dun sa SAP. Una, alam naman natin, 4Ps lang ang talagang suki nila, ng
DSWD, period. Pero dun sa batas, ang sabi lahat ng informal sector, eh wala
namang listahan ng informal sector. Eh sino ba namang me alam ng barber, ng
namamasada, nagsasakay at nagbubuhat ng kargador sa pier? Wala naman kasing
listahan yang DSWD, DOLE, kasi nga un-registered ang informal sector. Nakikita
natin pero wala naman me alam, Nagkaloko-loko na, kasi ang alam lang ng DSWD, 4Ps
na pantawid nila, tapos yung mga turo sa kanila ipamigay rin sa informal. Eh sa
listahan ng informal, napilitan na ang DOLE at DSWD at lahat na pumunta sa mga
barangay, sa mga mayor. Eh sabi ng ibang mayor, “Ay nako, bahala na kayo
sa buhay nyo, wala na kaming pakialam dyan at sisisihin na lang kami kapag
hindi nabigyan”. So, maraming hindi rin tumulong, hindi nakialam,
ninerbyos, maraming hindi nabigyan. So, yan ang nangyari, yun ang listahan kung
sino-sino nabigyan na hindi mo akalain at talagang yung mga nangangailangnan
hindi naabutan.
RAVELO: Yung mga nangangailangan, hindi
nabigyan at hindi nangangailangan nabigyan.
SIM: Tapos yung second SAP, kasi naalala nyo,
first batch yon, pagkatagal-tagal yung second batch, marami na namang reklamo.
Paano, para mapabilis, idinaan yata sa ibang ah payment portal at ibat-iba pang
nagpapadala ng pera. Eh ang kaso, nagrereklamo yung mga tao, paano pipila sila
ng ilang oras, matapos yun may kaltas na P50 at mahigit pa. Kaya nagulat naman
ako, ba’t naman ganon?
RAVELO: So, paano yan, sisingilin nyo ang DSWD
ng paliwanag sa budget hearing?
SIM: Well, sa unang-una, sa Bayanihan 2, iba na
ang patakaran. Hindi na yung SAP na pangkalahatan, yung P5k, P6K, wala na yung
ganong flat rate across the board, at hindi lang DSWD na mangangatawan d’yan,
kundi iba-iba na. So, meron tayong support sa impacted sector na under DOLE, subsidy
for transport, health wokers, education.
SIM: Medyo nakahimay na siya, so tututukan
natin, ng DOLE, DSWD, ating pamahalan at IATF, kung sino itong sector. Halimbawa,
yung mga sa akin ano, sana mga movie workers
at yung TV film workers na natanggal sa trabaho sa Mowelfund yan, kung
magkautang ba naman yung transport group siyempre ililista din, yung sa tourism.
So, kanya-kanyang listahan para medyo totoo naman. Yung DSWD, ang matitira sa
kanila yung P6 million na lang, yung mga namatayan, ano ba tawag dun? “In crisis
situations” ka lang. Sinabi ko naman sa DSWD, dahan-dahan kayo kasi, ang
nangyayari, napupulitikal yan. Huwag kayong magpa-bully diyan at siguraduhin na
may na-verify na may namatay nga, pamilyang totoong may sakit kasi maraming
nagsasakit-sakitan kapag may distribution na.
RAVELO: Basta yan po ay kailangang tutukan,
bantayan sigraduhing magbibigay ang mga dapat bigyan sa madaling panahon.
SIM: Magandang suggestion yung i-digitize,
talagang kailangan natin yun, national ID once and for all. I-digitize na yan,
kasi ang kinatatakutan ko pag pumipila, isa pa yang nalolokah ako sa DSWD.
DSWD, sabi ko, ‘wag naman kayong tumawag yung sabay-sabay, yun ang
nagpapalaganap ng Covid. Kung yun lang ang oras mo, dun lang tawagin ang mga
tao, habaan ang hours of distribution. Huwag nang papilahin ng pagkarami-raming
siksikan.
RAVELO: Totoo yan, Ma’m. Sa Laguna, sa amin,
mula Majayjay, pupunta pa sa Nagcarlan at Liliw, Laguna, mangingibang bayan pa,
lumalabas pa yung mga senior citizen.
SIM: Grabe, nabalitaan ko natutulog na dun sa
katagalan at kahabaan ng pila. Ang sabi ko sa DSWD, yung kaya lang ninyo, yun
lang ang tawagin ninyo hanggang gabi. Bumalik kayo the next day, ‘wag kayong
ganyan, kayo ang unang mala-lockdown!
RAVELO: Anyway, salamat po sa inyong oras.
SIM: Thank you, Nimfa.