Pope Francis Kinontra Ang Posisyon Ni Sec. Dominguez – Imee
Kabilang si Pope Francis sa nananawagang ipagpaliban muna ng Pilipinas ang pagbabayad sa mga pagkakauntang nito bunga na rin sa kinakaharap na malaking problema na nararanasan ng taongbayan dahil sa COVID-19.
Ayon kay Marcos, hindi lamang ang Simbahang Katolika na pinamumunuan ni Pope Francis ang pabor sa debt moratorium kundi pati na rin ang mga mayayamang bansa at malalaking institusyon sa pagpapautang dahil sa nangyayaring pandaigdigang krisis.
Lumalabas na salungat o kontra sa paniniwala ni Sec. Carlos Dominguez III ang posisyon ni Pope Francis hinggil sa usapin ng debt moratorium sa kabila ng malalang problema ng Pilipinas sa COVID-19.
“Ang hinihingi lang natin ay i-delay ang pagbabayad ng ating utang. Wala tayong susubain at hindi natin tatakasan ang ating obligasyon. Magbabayad din tayo. Hindi ba maintindihan ni Secretary Dominguez yan?!” pahayag ni Marcos.
Nilinaw ni Marcos na ang panawagan ng International Monetary Fund, World Bank at Asian Development Bank na magptupad ng debt moratuium sa 75 bansang mahihirap ay kabilang ang Pilipinas.
“Mismong si Pope Francis ang nagsabing sana ay makita nila sa kanilang mga puso na ipagpaliban muna ang utang o kung hindi man ay bawasan o tuluyang kalimutan na ang ipinahiram sa mahihirap na bansa,” ayon pa kay Marcos.
Idinagdag pa ni Marcos na mismo ang IMF ay naniniwala na may reputasyon ang ahensiya na magpatupad ng mahigpit na kondisyon sa mga bansa na humihiling ng moratorium. Pero ngayon dahil sa sitwasyon, hiling lang ng IMF ay bayaran ang mga doctor at nars, at siguraduhin na maayos na gumagana ang health system, at kayang proteksyunan higit sa lahat ang mga taong magkakasakit.
Binigyan diin din ni Marcos na nakahanda siyang makipagpulong kay Dominguez at ipaliwang nang mabuti ang kanyang posisyon hinggil sa debt moratoruim at kung papaano ito makatutulong sa bansa na kasalukuyang humaharap sa napakabigat na krisis dahil sa COVID-19.