“Nutribiskwit” Kontra Pagkabansot, Bubuhayin Ni Sen. Imee Marcos

By 0 Comment

Bubuhayin at itutulak ni Senador Imee Marcos ang “Nutribiskwit ” na katulad ng Nutribun naipinapakain sa mga batang nasa grade-school noongdekada ’70.

Sa harap ito ng pagka alarma ng Senadora sa mgatinatawag na “Child Zombies” o yung mga batanghindi na lumaki ang utak at underweight o kulang satimbang.

Base kasi sa Child nutrition research statistics…1/3 ng mga bata sa bansa ang bansot, kung saan 95 bata ang namamatay kada araw dahil sa malnutrisyon. Habang27 sa isanlibong bata ang hindi na umaabot sa limangtaong gulang.

Ayon sa Senador, nananatili ang Pilipinas sa syam nabansang may pinakamataas na bilang ng mga batangbansot..at wala na ring balita ang publiko kung ano nanga ba ang kinahinatnan ng mga programa ng gobyerno kontra malnutrisyon.

Bukod sa “Nutribiskwit, isinusulong din ni Marcos namarepaso ang tinatawag na action plan ng Department Of Health noong 2017 para sa nutrition intervention.

Gayundin ang 120-day program ng DSWD para mataya ang lagay ng nutrisyon ng mga batangbenepisaryo nito.

Una nang sinabi ni Salvador Serrano, Senior Specialist ng Department of Science and technology Food and Nutrition na maraming Pilipinong bata ang malabo ang kinabukasan dahil sa pagkabansot o Child Zombie.