Magtutungo ang pamliya Marcos sa Libingan ng mga Bayani

By 0 Comment

Ngayong Araw ng Undas nakatakdang magtungo si Ilocos Norte Governor Imee Marcos, kabilang na ang kanyang pamilya, sa Libingan ng mga Bayani para gunitain ang namayapang amang si dating Pangulong Ferdinand Edralin Marcos.

“Hindi natin dapat na kalimutan ang mga mabubuti at magagandang alaalang naiwan ng mga mahal natin sa buhay. Kailangang gunitain natin silang tunay na nagmahal at nagpahalaga sa ating mga pamilya,” pahayag ng gobernadora.

Ayon sa kanya, kagaya ng mga kababayan nating Pilipino, ang paggunita sa mga namayapang mahal natin sa buhay ay hindi dapat kalimutang gawin lalu na kapag sumasapit ang Araw ng Undas.

“Kaisa namin ang sambayanang Pilipino sa paggunita ng Araw ng Undas. Higit natin maipapakita ang ating pagmamahal sa pamamagitan ng pagdarasal sa ating mga namayapang mahal sa buhay,” pagdidiin pa niye.

Binanggit din ni Gov. Imee na importanteng tandaan ang ‘tips’ ng mga otoridad para sa mga bibiyahe sa malayong lugar at iiwang walang bantay ang kanilang bahay.

“Magandang sundin ang mga bilin ng Philippine National Police sa mga bibiyahe ng malayo at matagal na iiwanang walang tao ang bahay para makaiwas mabiktima ng masasamang loob”, ayon kay Ms. Imee. “Maging alerto lamang at seguraduhing ligtas kayo at ang inyung mga ari-arian.”