Interview with Senator Imee Marcos (SIM) on DaBig C with Jorge Galiza, Clovis Sabornido & Ryan Villarino

By 0 Comment

Q: Marami nagtatanong, ano ang laman ng Bayanihan two na yan. Kaya ikaw ang pinaka appropriate na mambabatas na tanungin namin dahil miyembro ka ng bicameral committee. Senator, ano yung laman ng bayanihan funds two sa remember nyo lang po senator?

SIM: Yes ofcourse, sabi nga namin eh talgang kakarampot lang yung pera, pero si secretary dominguez at mga economic managers sabi yan lang ang kaya sa ngayon dahil baka long playing pa itong covid na ito so kinakabahan ang lahat na maglabas ng pera kaagad-agad, subalit bitin talaga eh. Talagang pahirapan, pero kahit papano, medyo matagal, medyo bloody yung ating diskusyon pagkat andaming request eh. Lahat ng grupo humihingi ng tulong. Magmula sa transport sektor, nakikita niyo naman yung sa Maynila na mga jeepney drivers at lahat ng tauhan eh talagang humihingi ng tulong. Namamalimos na nga eh dahil hinid puwedeng mamasada. So yun ang problema tlaga. So we’re giving them some subsidies. Ganun din yung tourism sector, naku yung tourism dito sa Ilocos eh December pa lang wala nang mga tuorist na Chinese, Ganun din sa Boracay, sa Cebu. So all of us are trying to give them some help.

Q: Kahit gaano kalaki ang ating puso para tumulong kaso hindi tlga ganun kalaki ang pera ng gobyerno, kaya hati-hati na lang po ang pera para sa mga nangangailangan. Kaya sabi ni Senator kanina busy-busyhan siya dahil naghahanap siya ng source. Nabasa rin namin senator na parang nag-encourage kayo sa ating mga farmers na wag munang bayaran yung utang in relation to farming. Ano po yung buod nun senator parang masaya yung ating farmers dyan?

SIM: Hindi naman lahat ng farmers ano, pero ang sinasbai ko lang yung mga agrarian reform beneficiaries, eh hinihingi ko nga sa gobyerno sana yung mga agrarian reform, yung mga nakatanggap ng agrarian reform act, yung may mga CLOA, may kung anu-anong ARC, ARB, (ARCBP), yung lahat ng grupo na under ng DAR ung Department of Agrarian Reform, eh kinakausap natin ang Landbank, lahat ng pamahalaan para i-condone na lang, i-right off na lang yung mga utang nila. Alam naman natin na ito yung mga magsasaka na walang lupa, ibig sabihin talagang pahirapan yun, talagang mga nagsasaka lang sa lupa ng iba, nag-aani lang. kung talagang labor lang, kawawa naman. Eh hawak hawak lang nila yung papel, sabay nun may utang. Kaya eto nga, sabi ko nga this year dun sa Bayanihan Act maisama na lahat ng interested na nandun, iwawaive na muna ng gobyerno kasi pahirapan na. Ibig sabihin may plano, may kasunduan na, na sa susunod na mga buwan irerestructure na natin lahat ng utang na yan , maipamahagi lahat ng lupa at mabigyan ng titulo. Sa Mindanao sangkatutak yan eh, puro CLOA ang hawak eh.

Q: kasali po kami diyan.

SIM: talaga? Totoo ba, Saan ba kayo?

Q: SA ARC Community po dyan sa may Bansalan

SIM: Ayun, talagang ang baba ng payment, papano di naman kumikita yung magsasaka. Sabi nga para mong pinipiga yung bato eh wala namang lalabas na dugo diyan. Alam na ntin yun pahirapan, kaya siguro iwawaive na muna natin, ayaw pumayag eh, sabi malulugi raw gobyerno. Sabi ko dahan-dahan. Tignan ninyo, pag sinuma total, yung gastos natin sa pangongolekta niyan mas malaki pa sa Landbank, pagkatapos sa Department of Agrarian Reform, higit sa lahat diyan pa nagre-recruit ang NPA, alam naman natin yan. Kaya diyan nagrerecruit ang NPA, bigay na natin yung lupa, para once and for all makapagsaka ng sariling lupa, wala na tayong problema, pati yung gastos natin sa army, sa pulis mababwasan yan kasi wala nang gulo.

Q; Totoo at sa mga nakikinig ngayon diyan ah na mga beneficiaries ng DAR, mga under DAR na lupain may CLOA, ARC, ARB. Uyy good news from Senator Imee, yung pinupush po nito na ibigay na kasi naku matagal na ring panahon at inaantay na rin ng taong bayan. Senator Imee tanong-tanong kami kaunti tungkol sa Philhealth

SIM: OO ba! Naku nakaka bad mood kayo ah magwe-week end na ah!

Q; Yung Philhealth, maganda yung ginagawa ng Senado at Kongreso dahil maganda yung feeling ng taong bayan dahil parang pinrotektahan kami ng mga senador namin, ano yung parang estimate niyo rito senator, kailan matatapos ito at magawaan ng resulta yung imbestigasyon?

SIM: Wala sinabi nga namin, nakapag-tatlong hearing na, sabi ko nga dalian na natin yan wag na yung long playing dahil kitang-kita na yung ebidensya wala nang ipapatunay pa, eh ang gawin… eh wala namang delikadeza itong mga ito hindi man lang mag leave of absence para pabayaan yung mga imbestigador na pumasok, yung COA, NBI sana kalkalin na lahat ng papeles, eh ayaw namang mag leave of absence kahit sana suspendihin na lang, mabuti na lang yung Ombudsman sinuspend na. So yung usapan namin sa Senate tapusin na yung imbestigasyon dahil sangkatutak na yung ebidensya at magrerecommend na kami ng charges kasi kailangan talaga patawan na ng kaso ito hindi naman puwede. Alam naman ninyo yung Senate hindi naman nagku-kuwan ng kaso yan eh. Ang ginagawa lang namin in-aid-of-legislation. Papalitan yung batas kung saka-sakali makatulong at hindi na maulit ito, parang for the future prospective siya. Pero ang gagawin namin irerecommend namin na yun ngang sinasabing sindikato o mafia eh tuluyan nang makasuhan kasi hindi ito biro-biro. Kaya lang sa kasamaang balita kahapon, dito sa Region 1 dito sa Ilokandia kasi andaming scam ng Philhealth dito, narinig ko at nakita sa balita biglang tumulo yung brand new na opisina nila, tinuluan lahat ng dokumento at nasira ang lahat ng ebidensya. Naloko na! Eh hindi kapani-paniwala bagong lipat sila eh, ilang buwan pa lang. Bagong-bago yung building. Eh kung bakit biglang tumulo hindi naman ganun kalakas yung ulan, nabasa raw lahat ng files nila. Anong say mo?

Q; Jusko Lord! Ikaw may sabi nito Senator, “Kapalmuks!”

SIM: Hay nakakayamot! Kaya sabi ko sa inyo pag sinabing Philhealth naku bad mood na naman! Kasi naman talagang nakakapikon. Kaya eto nga sa kabila ng napakaraming pera na tinabi ng presidente para sa Philhealth ano, umaabot ng 220-Bilyon yan originally, hind na natin alam kung magkano na lang natitira diyan. Bilyon-bilyon pinag-uusapan dyan hindi milyon eh. Talagang ang lalaki ng halaga. tapos bibigyan pa natin sana, ang utos ni Presidente dagdagan na naman daw para nga Universal Health, eh lahat kami teka muna. Mukhang mawawala ang laki-laki nitong mga perang dinadagdag natin, yun pala wala namang mapakinabangan. At bakit hindi sila nagbabayad ng testing para sa lahat ano ba yan naniningil pa rin.

Q; At yung pera pala ay pumunta sa bulsa ng mga kapalmuks na ito. Ito yung direksyon ni Senator Imee eh, at mga kababayan kung mayroon kayong gustong isangguni sa kanya puwede naman kayong tumawag at magtext dito para aming maipa-abot. Okay lang po ba senator imee kung merong mga?

SIM: Yes no problem. no problem. Malaking bahagi rin ng bayanihan nagkasundo kami na dapat magkaroon din ng Smart Schools kasi nga hindi natuloy ang pagbubukas ng klase ng August 24 at hindi kaya ng karamihan ng mga eskuwela. Dito sa Ilocos ang lalaki ng bundok, bundok ng Cordillera, sa Baguio lahat yan talagang hindi kaya ng wifi. Mas lalo sa MIndanao kung isla-isla eh talagang pahirapan kung papano magkaroon ng wifi kaya na-postpone. Ngayon ini-imprenta na lang namin by hand kaya binibigyan na lang namin ng pera yan kasi mamomroblema yung mga teachers natin, pati mga mayor, pati mga governor kung paano mag-imprenta ng sangkatutak na learning packages para sa mga estudyante. Ihahatid daw sa mga eskuwelahan or ihahatid sa mga bahay-bahay.

Q; Ayun at gusto po naming ipaalam sa inyo Senator, na ang radyong ito eh inilaan natin sa DepEd para sa learning nila. Kaya sa susunod na interviewhin ka namin, nakikinig yung mga estudyante

SIM: Maraming maraming Salamat mabuti yan! Thank you very much for your generosity. Kailangan talaga gamitin yung radyo, tv kasi napakahirap talaga ng online. At sana nga ay mabigyan natin ng daan yung deped ng tuluyan kasi ang hirap din eh. Its not easy to convert from place to place. Biglang by radio, biglang by learning package. Yung mga magulang nga umaalma na eh, papano yung mga bata nasa bahay kaya yung mga parents na oobliga maging teacher samantalang naghahanap din ng trabaho baka nawalan pa ng trabaho, patong-patong talaga ang problema

Q; Nag-aalala ako Senator kasi yung cash-for-work na budget ay nabawasan daw nitong Bayanihan two, hindi ba kami dapat mag-alala at dapat yung nagta-trabaho nitong cash-for-work na ito? Anong masasabi mo sa lahat ng nakikinig?

SIM: Meron tayong… kasi ang nangyari ngayon instead na Social Amelioration o SAP na tinatawag medyo shotgun yun ano medyo nagka gulo sa distribution walang mga lista-lista. Ang ginawa namin ngayon pinaghati-hati sa iba’t-ibang sektor at iba-iba yung program kasi mukhang iba naman yung sitwasyon sa bawat industriya. Kung tourism yan, kung transport, kung health worker, kung teacher, iba-iba talaga yung sitwasyon. So may cash-for-work tapos may support program para sa impacted sectors and iba-ibang sektor to no tapos may subsidy para sa mga estudyante, para sa teacher, para sa health worker. Ipnangako na rin yan ni Presidnete, so wag kayong mag-alala

nakikita lang yung cash for work, mukhang payat, pero actually may konti naman na iba-iba pa. Pero hindi maikakaila kulang talaga. At isa pa, marami tayong inilaan sa mga bangko para maka-utang. Kasi ngayon hindi lang mahihirap ang nangangailangan ng tulong eh, pati yung may-ari ng negosyo, sabihin natin may kaya sa buhay yan pero bagsak naman yung negosyo nila at nagsusuweldo pa rin sila ng mga empleyado kaya napakahirap talaga ng ating sitwasyon

Q: Nakakatawa lang si Alejandro Campos, naka-live pala tayo sa Facebook mo Senator. Sabi niya gusto ko Senator ikaw yung magiging Vice President, napaka-advance talaga… magiging totoo yan kasi sinabi eh.

SIM: Kayo talaga pambihira. Talagang hirap na hirap na nga eh. Bago lang akong senador eh, isang taon na ko halos, parang one year anniversary ako, tinamaan pa ng covid puro sakit ng ulo. AT eto nga trabaho lang, trabaho lang. Hanggang ngayon nga naghahagilap pa kami ng pera, nakakatawa nga itong Bayanihan may just in case pa, baka maka-tsamba ng dagdag na pera, meron pa kaming standby provision kay Presidente na makadali ng pera. First time ko lang nga nakakita ng ganito eh talagang ala tsamba eh. Kung sakali, 140 lang ang pera ng gobyerno, 140-bilyon lang, meron pa kaming pahabol eh. Sinabi pa dun, kapag nakadali tayo ng mas maraming pera ng additional na 162, additional na 22, puwede bang gastusin sa ganito sa mga vaccine, sa procurement ng medisina at iba pa. Nakakatuwa nga kasi talagang kulang naglagay na lang kami ng just in case kung maka-tsamba tayo at may pera pang darating eh dagdagan na lang natin itong mga sektor na talagang nangangailangan ng tulong.

Q; Bago yan just-in-case provision bago…

SIM: Talagang nakakatawa eh may dasal pa eh, may dasal eh.

Q: Prayer yan. Thank you very much Senator. Baka may nakaligtaan kayo at mensahe sa mga nakikinig dito sa Davao?

SIM: Yes sa lahat sa atin dito sa Davao, thank you very much ang laki ng tulong ng mga Dabaueno at tuwang-tuwa naman ako kasi kahit papano eh nakasa na natin kay Presidente etong 140-bilyon plus, plus, may plus pa eh, may plus 22 kung maka-tsamba tayo eh, sabihin na natin na suntok sa buwan yan eh okay pa rin and hopefully kahit lumiit yung cash-for-work, yung sa actual amount meron naman tayong subsidies, meron naman tayong ibang support at wala pang isang buwan papasok na yung budget ng 2021. Sana mailagay na dun sa 2021 na mabigyan ng mas maraming tulong ang bawat isa at sana suportahan ninyo ko ah na ibura na yung utang ng mga magsasaka ng Agrarian Reform. Tulungan na lang niinyo ako, talagang pipilitin natin ito.

Q: Maraming salamat Senator Imee Marcos.

SIM: Thank you at saka sa inyong lahat kahit Covid, kahit ano pa, Pilipino tayo. Happy Weekend with your family. Ingat ingat!