Imee: 2023 Comelec, DSWD Budget, Lusot Na!

By 0 Comment

DINEPENSAHAN ni Senator Imee Marcos ang panukalang P6.48 billion budget ng Commission on Elections (COMELEC) at P210.6 billion sa Department of Social Welfare and Dev’t para sa susunod na taon.

Sa marathon plenary session ng Senado nitong Lunes ng gabi sa proposed P5.268-trillion national budget, binusisi nina Senadora Grace Poe at Senate Minority leader Koko Pimentel ang badyet ng Commission.

Kabilang sa mga proyekto ng COMELEC na hinihiritan ng pondo ay ang construction sariling main office at local and provincial satellite buildings; patuloy na development and operation ng election software and hardware systems at full implementation ng Register Anywhere Project.

Sinabi ni Senadora Marcos na madaling naiimplwensyahan ng mga lokal na opisyal ang COMELEC sa bawat munisipyo at probinsya dahil kalimitang sila ang nagbibigay ng opisina ng kumisyon.

Suportado naman ni Sen. Grace Poe ang dagdag P500 million na pondo ng Comelec para sa kontruksyon ng sariling gusali.

Sa ilalim ng House-approved General Appropriations Bill, nakalaan sa Comelec ang P1 billion para sa building construction.

Nagpapasalamat naman ang COMELEC officials sa pamumuno ni Atty. George Erwin Garcia sa pagpasa ng Senado sa kanilang badyet.