Ilocos Norte Gov. Imee Marcos nangako ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Usman

By 0 Comment

Tutulong si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos sa mga residenteng naapektuhan ng pagbaha at landslides sa Bicol, Eastern Visayas at Southern Tagalog dulot ng bagyong Usman.

Ayon kay Gov. Marcos, hinahanda na ng Ilocos Norte ang relief goods gaya ng bigas, de lata at iba pang pagkain na pwede nilang i-donasyon sa mga binagyong lugar.

Nakikiramay din ang gobernadora sa mga pamilyang namatayan dulot ng pagbaha at landslide bunga ng hagupit ng bagyo ilang araw bago ang pagsalubong sa bagong taon.

Nananawagan din ang gobernadora sa iba pang mga pamahalaang lokal at National government na tumulong sa paghahanap sa 19 katao pang nawawala sa iba’t ibang lugar.

Napuruhan ang maraming bayan at siyudad sa Bicol region, Northern Samar at Oriental Mindoro sa malakas na ulang dala ng bagyong Usman mula noong nakaraang Sabado.

Nasa state of calamity ngayon ang tatlong probinsya sa Bicol gayundin ang Lope de Vega sa Northern Samar, Calapan City at pitong lungsod sa Oriental Mindoro dahil sa pinsalang iniwan ng bagyo.