Boto Ng Mga Bansang Pabor Sa Unhrc Probe, Pwede Pang Bawiin
Hindi pa pinal at pwede pang bawiinng mga miyembro ng United Nations Human Rights Council o UNHRC ang kanilang boto pabor sa isang resolusyon ukol sa pagsusuri sa sitwasyon ng Human Rights sa bansa.
Ayon kay Senador Imee R. Marcos, walang UN rule na napipigil sa alinmang bansang miyembro ng UNHRC para iatras o baguhin ang kanilang orihinal na boto pabor sa resolusyon noong July 12.
Mismong ang kasaysayan na anya ang nagpakitangnagawa na ito nuon pa…kung saan binaligtad o binawing mga bansa ang kanilang boto sa UN resolusyon na pabor sa statehood ng Israel… kaya kinikilala ngayon ang statehood nito sa buong mundo.
Nabago ang naturang mga boto dahil na rin sa pagdiinng Amerika sa iba’t ibang bansa.
Sinabi ng Senadora na pwede namang mag-demand ang ating kalihim ng Department of Foreign Affairs sa mga ambassador na nakabase sa bansa na ipaliwanag ang kanilang boto pabor sa kontrobersyal na UN resolution na pinangungunahan ng Iceland.
Mula rito…maaari anyang magkaroon ng isang “amicable at mutually beneficial decision” sa nasabing resolusyon.
Maaari din naman anya na makipagnegosasyon ang Pilipinas sa mga estado ng
European Union na hindi miyembro ng UNHRC..para himukin ang kapwa EU member na bawiin ang orihinal nilang boto.
Muli namang iginiit ng Senadora na dapat nang putulinng ating bansa ang ugnayan sa Iceland at wala itongkarapatan na i-antagonize ang Pilipinas.
Anuman anyang political agenda ng Icelanf dahil sa kalakalan… masasabing Hypocritical ang resolusyon nitong kumukwestyon sa human rights abuses sa bansa.
Inulit naman ni Senador Marcos na ang legalisasyon ng abortion sa Iceland hanggang sa 22 linggo ng pagkabuntis ay isang state-sponsored killing ng walang kalaban labang mga hindi pa isinisilang na mga sanggol.